2 obrero itinumba sa Navotas

Kinilala ang mga nasawi na sina Marcy Reyes, 48, alyas Take, residente ng Maringal St., Brgy. Tanza 1, Navotas City; at  Jose Paulo Vicente, 36, alyas Jaypee, naninirahan sa  B. Enriquez, Brgy. Panghulo, Obando, Bulacan.
File

MANILA, Philippines — Kapwa nasawi ang dalawang lalaki matapos pagbabarilin kahapon ng umaga sa Navotas City.

Kinilala ang mga nasawi na sina Marcy Reyes, 48, alyas Take, residente ng Maringal St., Brgy. Tanza 1, Navotas City; at  Jose Paulo Vicente, 36, alyas Jaypee, naninirahan sa  B. Enriquez, Brgy. Panghulo, Obando, Bulacan.

Sa inisyal na pagsisiyasat, naganap ang insidente, alas-10:20 ng umaga sa Maringal St., Brgy. Tanza 1, Navotas.

Tatlong kalalakihan  ang sinasabing responsable sa krimen na ang isa ay nakasuot ng kulay berdeng  t-shirts, maong shorts, cap, slippers at tube face mask habang kulay violet na  sweatshirts, six pocket shorts, slippers, army cap, tube face mask, at may sling bag ang ikalawang suspek ay nakaputing t-shirt, maong short at nakasumbre ang ikatlo.

Bago ang insidente, magkakasamang sakay ng bangka ang mga biktima at suspek mula sa Badeo 6, Brgy. Tangos, North pa­tungong Maringal St., Brgy. Tanza, Navotas City.

Nang makababa na ng bangka at nagbabayad ng ng pamasahe ay bigla na lamang pinagbabaril hanggang sa bumagsak ang dalawang biktima.

Mabilis namang tuma­kas ang mga suspek.

Nakuha sa crime scene ang isang heated sachet ng shabu, OPPO black cellphone; 11 piraso ng .45 ca­liber fired cartridges at dalawang piraso ng .45 ca­liber deformed slugs.

Inalerto at nagsasa­gawa ng dragnet operations ang mga tauhan ni Major Edwin Fuertes para sa posibleng ikadarakip ng mga suspek.

Show comments