4 lugar sa Metro Mamo;a, mawawalan ng tubig ng 20-57 oras
MANILA, Philippines — Apat na lugar sa Metro Manila ang makakaranas umano ng 20 hanggang 57 oras na walang suplay ng tubig mula Marso 5 ng alas-3:00 ng hapon hanggang alas-11:59 ng gabi ng Marso 7 dahil sa gagawing pagsasaayos sa isang major leak sa Makati City.
Maaapektuhan ng pag-aayos ang may 115,000 service connections ng Maynilad Water Services Inc. sa mga lugar sa Maynila, Makati, Pasay at Parañaque.
Ayon sa Maynilad, susuriin nila ang underground pipe upang matiyak ang laki ng pinsala na dapat nilang ayusin na unang nadiskubre nitong nagdaang weekend na isang major pipe leak mula sa lower end ng isang blow-off assembly na nagdudugtong sa 2,200-millimeter diameter steel pipe na nasa pitong metro ng lalim ng lupa.
Pinayuhan ng Maynilad ang mga apektadong lugar na bago ang Marso 6 ay mag-ipon na agad ng tubig para may magamit na suplay sa panahon ng water interruption.
May iikot din umanong trak ng tubig ng Maynilad sa mga apektadong lugar para magbigay ng tubig.
- Latest