Crackdown vs private armed groups at illegal firearms, palakasin
DILG sa PNP...
MANILA, Philippines — Palakasin pa ang isinasagawang crackdown sa mga Private Armed Groups (PAGs) at illegal firearms.
Ito ang naging kautusan ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Benjamin ‘Benhur’ Abalos Jr., sa Philippine National Police (PNP) bunsod nang sunud-sunod na pananambang sa ilang local government officials, kamakailan.
Sinabi ni Abalos na dapat pang palakasin ng PNP ang kanilang pagsusumikap para matigilan ang mga walang saysay na karahasan na ang tinatarget ay mga local government officials at upang maiwasan ang kriminalidad sa bansa.
“Kailangang tukuyin at buwagin ang mga PAGs na ito at kumpiskahin ang loose firearms na nasa kanilang pag-aari na maaaring ginagamit nila sa mga iligal na gawain,” ani Abalos, na siyang nanguna sa Buhay Ingatan, Droga’y Ayawan (BIDA) Bayanihan ng Mamamayan Fun Run nitong Linggo.
Inatasan din niya ang PNP na dagdagan pa ang police visibility at higit pang higpitan ang seguridad sa buong bansa upang mapawi ang pangamba ng publiko at mahadlangan ang mga illegally armed na mga indibidwal at grupo sa paggawa ng anumang karahasan.
- Latest