^

Police Metro

Hindi na holiday ngayon — Malacañang

Gemma Garcia - Pang-masa
Hindi na holiday ngayon — Malacañang
Nililinis ng mga kawani ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang bisinidad ng EDSA People Power Monument sa Quezon City para sa pagdaraos ngayong araw ng ika-37 taong anibersaryo ng People Power.
Michael Varcas

MANILA, Philippines — Hindi na isang regular holiday ngayong araw (Pebrero 25) makaraang ideklara kahapon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang Pebrero 24 bilang isang special non-working­ holiday.

Sa pamamagitan ng Proclamation No. 167, inilipat ni Marcos ang holiday na dapat sana ay Pebrero 25, sa Pebrero 24 “to enable our countrymen to avail of the benefits of a longer weekend pursuant to the principle of holiday eco­no­mics… provided that the historical signi­ficance of the EDSA People Power Revolution Anniversary is maintained.”

Sa inilabas na pahayag ni Presidential Communications Office (PCO) Secretary Cheloy Garafil, ang hakbang ng pangulo ay para bigyan ng pagkakataon ang mga Filipino na makuha ang mga benepisyo ng mahabang bakasyon.

Hanggang sa kasalukuyan ay wala pang anunsyo ang Malacañang kung may aktibidad  si Marcos na may kinalaman sa anibersaryo ng EDSA People Power.

EDSA

PEOPLE POWER

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with