^

Police Metro

P.5 milyong reward sa holdaper na pumatay sa New Zealander

Ludy Bermudo - Pang-masa
P.5 milyong reward sa holdaper na pumatay sa New Zealander
This Feb. 19, 2023 photo shows the crime scene where a tourist from New Zealand was shot dead by unidentified assailants in Makati City.
Facebook / NCRPO PIO

MANILA, Philippines — Nagpalabas ng P500K na reward money ang pulis­ya sa sinumang makapagtuturo sa kinaroroonan ng isa sa dalawang holdaper na pumatay sa isang turistang New Zealander noong Linggo ng madaling araw sa Makati City.

Ito ang inihayag ng pamunuan ng Southern Police District (SPD) na kung saan ang isa sa dalawang holdaper na responsable sa pagpatay ay tukoy na nila.

Sinabi ni SPD P/Brig.General Kirby John Kraft na ang suspek ay kinila­lang si John Mar Nagum  Manalo, residente ng Bicutan, Taguig City.

Ang pagkatukoy kay Manalo ay batay sa salaysay ng apat na testigo ng task group at sa pamamagitan ng rogue gallery ng Makati City  Police Station  na iniharap sa kanila na kung saan ay positibong itinuro ang suspek na isa sa riding-in-tandem na nangholdap at nakapatay kay Nicholas Peter Stacey, 34 sa bahagi ng Filmore St., Brgy. Palanan, Makati, dakong alas-12:25 ng madaling araw noong Linggo kasama ang nobya nitong Pinay.

Natuklasan din na ang suspek ay may standing warrant of arrest sa kasong robbery with violence against intimidation of persons na inilabas sa Regional Trial Court Branch 12, Malolos City Bulacan.

Nakatakdang sampahan ng kasong robbery with homicide ang suspek sa oras na makumpleto na ang iba pang kaukulang dokumento.

Sinabi ni Kraft na kahit wala pang warrant of arrest para sa kaso ng pagpatay kay Stacey ay maaaring arestuhin anumang oras ang suspek na si Manalo dahil may standing warrant of arrest naman laban sa kaniya mula sa nasabing korte.

Nabatid na si Manalo ay nakasuot ng face mask, subalit nakababa umano nang isagawa ang panghoholdap at pamamaril habang ang driver ng motorsiklo ay nakasuot ng helmet kaya hindi nakita ang mukha.

Inaalam pa sa Land Transportation Office (LTO) ang plate number na nakuha sa sinakyang motorsiklo ng mga suspek kung genuine o tampered.

Lumalabas na gawain na umano ng suspek ang panghoholdap.

Nanawagan na rin si Kraft sa publiko na maki­pagtulungan para mabig­yan ng hustisya ang biktima sa pamamagitan ng pagbibigay ng impormasyon na makakatulong para maaresto ang suspek.

HOLDAP

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with