MANILA, Philippines — Anim sa bawat 10 Pilipino ang nagsabing buhay pa rin ang diwa ng Edsa People Power.
Ito ay batay sa resulta ng Survey ng Social Weather Station (SWS), ilang araw bago ang ika-37 taong anibersaryo ng 1986 People Power Revolution.
Sa tanong sa mga respondent kung buhay pa ba ang diwa ng People Power, 62% ang nagsabing naniniwala sila na nananatiling buhay ang demokrasya ng Edsa People Power habang 37% ang nagsabing nawala na ang diwa nito.
Nasa 57% ng mga Pinoy ang nagsabing mahalaga pa rin ang paggunita sa Edsa People Power habang 42% ang nagsabing hindi na ito mahalaga. Habang 5% lamang ng mga tinanong ang nagsabing natupad ang mga ipinangako ng Edsa People Power, 19% ang nagsabing bahagyang natupad at 28% ang nagsabing walang natupad.