Mag-asawa, anak todas sa salpok ng trak

MANILA, Philippines — Hindi na umabot ng buhay sa ospital ang mag-asawa at kanilang paslit na anak matapos ang sinasakyan nilang kotse ay sumalpok sa trak, kamakalawa sa Brgy. Dunggoan sa Danao City, Cebu.

Kinilala ang mag asawang nasawi na sina Erwin at Imelda Mondejar, anak na si Erin Bliss Mondejar, 3 habang sugatan ang isang anak na si Imer Betelqeuse Mondejar at pawang residente ng Brgy. Poblacion, Macrohon, Southern Leyte.

Ayon sa ulat ng Danao City Police, bago naganap ang aksidente, alas-12:00 ng tanghali sa National Highway ng nasabing barangay ay sakay ang pamilya Mondejar ng isang kulay itim na Mitsubishi Sedan (GED-2568) na minamaneho ni Erwin nang sumalpok sa Isuzu truck na minamaneho ni Nolin Batobalonos, 26 na nasa northbound lane.

Sa lakas ng pagkasalpok ng kotse ay naipit ang pamilya Mondejar at nang maalis sa pagkakaipit ay dinala ang mga ito sa ospital, subalit hindi na nai­salba ng mga doktor.

Nasa kustodiya na ng mga otoridad si Batobalonos at nakatakdan kasuhan.

Show comments