Bentahan ng PNP uniforms pinahigpitan
MANILA, Philippines — Kasunod nang pamamaslang kay Aparri, Cagayan Vice Mayor Rommel Alameda at lima nitong escort noong Linggo ng anim na kalalakihan na nakasuot ng PNP uniform ay pinahihigpitan ni Philippine National Police (PNP) chief Gen. Rodolfo Azurin, Jr. ang mga bentahan ng mga police uniform.
Ayon kay Azurin, bukod sa rehistrado ang mga outlet ng police uniforms, mas makabubuti na hingan din ng identification card ang mga mismong bibili at ire-record.
Inatasan na ni Azurin ang kanyang mga regional directors na alamin ang mga accredited contractor at authorized outlet ng mga uniform sa kanilang mga nasasakupan upang mamonitor ang mga bumibili ng uniporme ng mga pulis.
Maging ang mga nagbebenta ng police uniforms sa online ay binabantayan na rin ng anti-cyber crime division ng PNP.
Naniniwala si Azurin na nagsuot lamang ng police uniforms ang mga suspek upang magmistulang legal ang checkpoint at lituhin ang imbestigasyon.
Bukod kay Alameda, nasawi rin sina Alexander Agustin Delos Angeles; Alvin Dela Cruz Abel; Abraham Dela Cruz Ramos; John Duane Banag Almeda; at Ismael Nanay.
Natagpuan namang sunog sa Brgy. Uddiawan, Solana ang Mistubishi Adventure na gamit ng mga suspek sa checkpoint sa Bagabag, Nueva Vizcaya nang maganap ang ambush.
- Latest