^

Police Metro

4 sakay ng Cessna plane, patuloy na hinahanap

Doris Franche-Borja - Pang-masa
4 sakay ng Cessna plane, patuloy na hinahanap
Una nang nakumpirma na bumagsak sa mataas na bahagi ng Brgy. Quirangay, partikular sa Anoling gulley at 350 metro mula sa bibig ng Mayon Volcano ang eroplano na patungong NAIA noong Sabado ng umaga.
Pixabay

MANILA, Philippines — Hanggang walang natatagpuan na mga bangkay, ipinapalagay na buhay pa ang apat na sakay ng Cessna 340A aircraft na sumalpok malapit sa bibig ng Bulkang Mayon sa bahagi ng Camalig, Albay.

“Tuloy po ang search and rescue operations. Hindi tayo susuko kasi buhay ng tao ang concerned dito,” ani Camalig Mayor Caloy Baldo.

Una nang nakumpirma na bumagsak sa mataas na bahagi ng Brgy. Quirangay, partikular sa Anoling gulley at 350 metro mula sa bibig ng Mayon Volcano ang eroplano na patungong NAIA noong Sabado ng umaga.

Nakipagtulungan na rin ang Energy Develop­ment Corporation sa lokal na pamahalaan ng Camalig at mga ahensya ng gobyerno sa paghahanap at pagsagip sa mga sakay na sina Rufino James Crisostomo, Jr., piloto; Joel Martin, crew; kasama ang mga technical consultant ng EDC na kapwaAustrallian national na sina Simon Chipperfield at Karthi Santanan.

Nakikipag-ugnayan na ang search and rescue teams sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) dahil umiiral pa ang Alert Level 2 sa naturang bulkan.

Pinag-aaralan na rin ang ‘crash site’ sa pagdetermina ng pagbagsak ng eroplano.

“Hindi natin inaalis ang possibility na baka sumabay ang body ng mga sakay ng eroplano doon sa tubig na galing sa Mayon. Siguro pabalik ng Manila. Hindi po natin alam kung bakit napunta doon sa may crater ng Mayon,” ani pa ng alkalde. - Jorge Hallare

vuukle comment

CESSNA PLANE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with