^

Police Metro

Debris ng Cessna plane nadiskubre malapit sa Bulkang Mayon

Jorge Hallare - Pang-masa
Debris ng Cessna plane nadiskubre malapit sa Bulkang Mayon
Ayon kay Ed Jimenez, head corporate affairs ng EDC na bumisita at nag-inspeksyon sina Chipperfield at Santanam sa BacMan Geothermal Po­wer Plant sa Manito, Albay.
AFP/Ted Aljibe, File

MANILA, Philippines — Natagpuan kahapon ng umaga ang debris mula sa nawawalang Cessna RPC340 na may tail number RPC-2080 na dalawang araw na pinaghahanap ng search and retrieval team na bumagsak sa bahagi ng Bulkang Mayon sa elevation na tinatayang 6,500 feet above sea level sa itaas na bahagi ng Brgy.Quirangay, Camalig, Albay at halos nasa 350 metro na lamang ang layo mula sa crater ng bundok kahapon ng hapon.

Wasak na wasak at hiwa-hiwalay ang ilang bahagi ng eroplano habang hindi pa matukoy kung buhay o patay na ang apat na sakay, ang pilotong si Capt. Rufino James Crisostomo Jr., airline mechanic Joel Martin at ang mga consultants ng Energy Development Corporation (EDC) na mga Australian national na sina Simon Chipperfield at Karthi Santanam.

Ayon kay Ed Jimenez, head corporate affairs ng EDC na bumisita at nag-inspeksyon sina Chipperfield at Santanam sa BacMan Geothermal Po­wer Plant sa Manito, Albay.

Pabalik na sana sa Maynila sakay ng nasabing Cessna plane nang mawala ito sa radar ng control tower ng Bicol International Airport at hindi na makontak ang piloto ilang minuto makaraang mag-take off, alas-6:43 ng umaga noong Sabado.

Naging malaking tulong para matukoy ang binagsakan ng Cessna plane dahil sa nagri-ring na cellphone sa isa sa pasahero na isinailalim sa triangular location mapping at mga testimonya ng mga residente na may narinig silang malakas na tunog ng makina ng eroplano at ang pagkakaroon ng pagsabog sa itaas ng bulkan.

Ngayong araw ay ­ipagpapatuloy ang rescue at retrieval operation ng mga responders at susubukan kung kakayanin gamit ang mga air asset ng Philippine Airforce. - Doris Franche-Borja

 

PLANE CRASH

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with