Mga kasunduan na pinirmahan ni Pangulong Marcos sa foreign trips, nagbubunga na
MANILA, Philippines — Inihayag ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na nagsisimula nang magbunga ang mga kasunduan na nilagdaan niya sa kanyang mga foreign travels.
Ayon pa kay Pangulong Marcos, nagsimula na ang kanyang administrasyon na himayin ang mga detalye ng foreign travels na naglalayong makahikayat ng mas maraming investors para sa Pilipinas.
Nakipagpulong si Pangulong Marcos sa mga opisyal ng Department of Trade and Industry (DTI) at Office of the Presidential Assistant on Investment and Economic Affairs (OPAIEA).
“The purpose of the meeting was to put together all of the different commitments that we’re given to us in the different trips that we’ve had.
We started with Indonesia and Singapore and then until finally Japan,” ayon sa video message ni Pangulong Marcos.
“It’s time for us now to consolidate all of that, we put it together and see what is needed for those projects to go forward,” dagdag na wika nito sabay sabing may ilang proyekto ang ang nakatakdang ilunsad sa mga darating na linggo.
Sa hiwalay na kalatas, sinabi ni Pangulong Marcos na “I can already report that some of the MOUs that we signed in Indonesia and in Singapore, mayroon ng resulta.”
Sinabi ni Trade and Industry Secretary Alfredo Pascual kay Pangulong Marcos na may kabuuang 116 proyekto na nagkakahalaga ng US$62.926 billion o P3.48 trillion ang nabuo mula sa kanyang foreign trips simula nang maupo siya bilang halal na Pangulo ng bansa.
Kabilang sa mga foreign investments ay ang Indonesia, US$8.48 billion; Singapore, US$6.54 billion; United States, US$3.847 billion; Thailand, US$4.62 billion; Belgium, US$2.20 billion; China, US$24.239 billion; at Japan, US$13 billion.
Sa kabuuang bilang ng commitment, may US$4.349 billion o P239 billion ang nag-materialized na sa mga kompanya na may iba’t ibang yugto ng implementasyon ng kanilang proyekto sa bansa.
Ang mga proyekto na nagkakahalaga ng US$29.712-B o P1.7 trillion ay may umiiral na Memorandum of Understanding o Letters of Intent habang ang mga confirmed projects na nagkakahalaga ng US$28.863-B o P1.5 trillion ay nananatiling nasa planning stage.
Inamin ng Pangulo na may ilang mga bagay ang kailangan at dapat pang lutasin kabilang na ang rules and regulations na hindi “investor-friendly.”
- Latest