^

Police Metro

Panunutok ng laser ng Tsina, totoo — PCG

Danilo Garcia - Pang-masa
Panunutok ng laser ng Tsina, totoo â PCG
Image provided by the Philippine Coast Guard shows a green light beamed from a Chinese coast guard ship and directed at the patrol and supply ship BRP Malapascua in Ayungin Shoal, 105 nautical miles off Palawan on Feb. 6.
Philippine Coast Guard

MANILA, Philippines — “Sasabihin nila na nagsisinungaling tayo.Hindi naman natin naging trabaho na gumawa [ng istorya].”

Ito ang naging pahayag ni Philippine Coast Guard (PCG) spokesperson for West Philippines Sea (WPS) Commodore Jay Tarriela at binatikos ang naging pahayag ni Chinese Foreign Ministry spokesperson Wang Wenbin kaugnay ng laser-pointing incident noong Pebrero 6 sa Ayungin Shoal.

Sinabi rin ni Tarriela na mahirap paniwalaan ang mga opisyal ng China lalo na nang simulan niya ang kanyang pahayag sa diumano’y “indisputable sovereignty” ng China sa Ren’ai Reef (Ayungin Shoal).

Sa press conference, sinabi ni Wang na ang Chinese Coast Guard (CCG) ship ay gumamit lamang ng “hand-held laser” upang sukatin ang distansya at bilis ng barko ng Pilipinas at signal directions para sa navigation safety.

Itinanggi rin ni Wang na dinirekta ng CCG ang laser sa mga crew ng PCG at idinagdag na ang dapat na hand-held equipment ay hindi nagdudulot ng pinsala sa anuman o sinuman sa barko.

Pinanindigan ni Tarriela na ito ay isang military-grade laser, na nagsasabi na kung ito ay isang regular na laser lamang, ito ay dapat na magagamit sa anumang merkado.

Idinagdag pa nito na nakikita sa video na inilabas ng PCG na dumidirekta sa bridge ng barko ng PCG ang laser kaya hindi maaring sabihin ng opisyal ng China na hindi ito military-grade.

Nangyari ang insidente noong Feb.6 habang nagsasagawa ng resupply mission ang PCG sa Ayungin Shoal kung saan sinabi ng cost guard na pansamantalang nabulag ang kanilang crew dahil sa laser.

Ipinatawag ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. si Chinese Ambassador to the Philippines Huang Xilian para talakayin ang isyu.

Nakipagpulong din si Huang kay Armed Forces of the Philippines (AFP) chief General Andres Centino.

Naghain na ng diplomatic protest ang Philippine Department of Foreign Affairs laban sa China dahil sa insidente.

PHILIPPINE COAST GUARD

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with