^

Police Metro

Rider binaril sa ulo, todas

Ludy Bermudo - Pang-masa
Rider binaril sa ulo, todas
Nangangalap ng mga ebidensiya ang mga pulis sa bangkay ng hindi pa kilalang motorcycle rider na binaril sa ulo ng hindi pa kilalang gunman kahapon ng mada­ling araw sa kahabaan ng E. Rodriguez Avenue, Barangay Moonwalk, Parañaque City.
Miguel De Guzman

MANILA, Philippines — Dead on the spot ang isang hindi pa kilalang motorcycle rider nang ba­rilin sa ulo ng apat na kalalakihan, sa harapan ng isang kilalang food chain, sa Barangay Moonwalk, Parañaque City, kahapon ng mada­ling araw.

Sa ulat na inilabas ng Southern Police District-Public Information Office (SPD-PIO) mula sa Parañaque Police Station, inilarawan ang biktima ng pamamaril sa edad na 35-40,  sakay ng NMAX color red & black na may plakang MV 1303 at conduction sticker na  0903698, nakasuot ng itim na t-shirt at gray na maong na pantalon, may tattoo sa braso.

Sa ulat, alas-12:08 ng Pebrero 13, 2023 nang maganap ang pamamaril  sa tapat ng McDonald sa E. Rodriguez Avenue, Brgy. Moonwalk at naiulat bandang alas-12:20 ng madaling araw sa Don Bosco Police Sub-Station.

Patuloy pang iniim­bestigahan ang insidente para matukoy ang pagkilanlan ng apat na suspek, kung saan tatlo sa kanila ang sakay ng isang Toyota Vios na taxi body number JDCM na may plakang ATA 8397, kulay puti at ang isa pa ay nagmamaneho ng isang motorsiklo.

Samantala, may narekober na identification card sa biktima na may pangalang Hilbert Sonza na residente ng Dagat-Dagatan, Caloocan City, bagama’t hindi pa nakukumpirma.

Sinabi naman ni Brgy.  Moonwalk Chairman Ro­bert Alano, nakita sa rekord ng CCTV na bumaba ng taxi ang gunman at pinagbabaril ang biktima sa ulo.

Tumakas umano ang gunman sakay ng taxi sa direksyon ng Doña Soledad Ave., patungong Bicutan.

KRIMEN

PATAY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with