MANILA, Philippines — May isandaang kabahayan ang naabo sa naganap na sunog kahapon ng umaga sa Barangay Addition Hills, Mandaluyong City.
Ayon sa ulat, nag-simula ang sunog, alas-6:00 ng umaga nang makarinig na lamang umano ng pagsabog sa lugar at kasunod nito ay mabilis nilamon ng apoy ang isang bahay na gawa sa kahoy.
Mabilis na kumalat ang apoy sa mga katabing bahay na dikit-dikit umano sa Block 32 Extension sa naturang barangay kaya hindi umubra ang pagtutulungan ng magkakapitbahay sa pag-apula ng apoy sa pamamagitan ng kanya-kanyang dala ng timba at anumang malalagyan ng tubig para ibuhos sa sunog.
Umabot sa ikaapat na alarma ang sunog bago idineklarang fire out, alas-9:00 na ng umaga na inaalam pa saan nagsimula at magkano ang danyos.