^

Police Metro

100 bahay sa Mandaluyong City, naabo

Mer Layson - Pang-masa
100 bahay sa Mandaluyong City, naabo
Binobombahan ng tubig ng mga bumbero ang mga nasusunog na kabahayan sa Block 32, Extension Addition Hills, Mandaluyong City kahapon ng umaga. Nasa 100 kabahayan ang natupok na kung saan 300 pamilya ang naapektuhan.
Michael Varcas

MANILA, Philippines — May isandaang kabahayan ang naabo sa naganap na sunog kahapon ng umaga sa Barangay Addition Hills, Mandaluyong City.

Ayon sa ulat, nag-simula ang sunog, alas-6:00 ng umaga nang makarinig na lamang umano ng pagsabog sa lugar at kasunod nito ay mabilis nilamon ng apoy ang isang bahay na gawa sa kahoy.

Mabilis na kumalat ang apoy sa mga katabing bahay na dikit-dikit umano sa Block 32 Extension sa naturang barangay kaya hindi umubra ang pagtutulungan ng magkakapitbahay sa pag-apula ng apoy sa pamamagitan ng kanya-kanyang dala ng timba at anumang malalagyan ng tubig para ibuhos sa sunog.

Umabot sa ikaapat na alarma ang sunog bago idineklarang fire out, alas-9:00 na ng umaga na inaalam pa saan nagsimula at magkano ang danyos.

FIRE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with