^

Police Metro

Pagtatag ng ‘BIRTH’ pasado na sa Kamara

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines — Magiging “world class” ang Bicol University (BU) dahil sa pagkapasa sa Kamara ng panukalang itatag ang ‘Bicol Innovation, Research, and Technology Hub (BIRTH)’ sa  mga pasilidad ng nasabing unibersidad na matatagpuan sa East Campus sa Legazpi City, Albay.

Sinabi ni Albay 2nd District Rep. Joey Sarte Salceda, chairman ng House Ways and Means Committee’ at ­pangunahing may-akda ng House Bill 1302, na ang BU ay magiging gaya ng University of California (UC) system sa Bicol, at “magiging katumbas ng “UC-Berkeley” ang sistema nito, kaya napakahalaga ang programa at balangkas sa pagsulong nito.

Anya, ang HB 1302 ay kaugnay sa pananaw ng BU na maging “world class university” na humuhubog sa malikhaing mga lider na nagsusulong ng makabuluhang pag-unlad ng lipunan kaya kailanganng pasimulan at isulong ang tamang balangkas na tutugon sa mga pangangailangan.

Idinagdag pa ni Salceda, na kailangan ng bawat ekonomiyang industriyal ang isang Sentro kung saan isusulong ang paglikha ng mga mahahalagang kaalaman sa lipunan at industriya na magiging papel ng BU East na napakahalaga ang  maitutulong sa pagpagpapaunlad ng Bicol bilang isang ‘advanced regional economy’ mula sa agrikultura.

RESEARCH

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with