^

Police Metro

Pinoy team, nagsimula na ng rescue mission sa Turkey

Doris Franche-Borja - Pang-masa
Pinoy team, nagsimula na ng rescue mission sa Turkey
Members of the Philippine response team headed for Turkey prepare for inspection at Camp Aguinaldo yesterday. The Philippines will be deploying an 85-member team as well as 16 tons of medical supplies to quake-hit regions of Turkey.
Jesse Bustos

MANILA, Philippines — Sinimulan kahapon  ng inter-agency response team ng Pilipinas ang kanilang paghahanap at pag-rescue ng survivors sa katimugan ng Adiyaman,Turkey matapos ang pagyanig ng magnitude 7.8 na lindol nitong Lunes, Pebrero 6.

Ayon kay Undersecretary Ariel Nepomuceno, Office of Civil Defense (OCD) Administrator, umalis sa Adana Airport ang Philippine inter-agency contingent dakong alas-3:35 ng madaling araw upang simulan ang kanilang misyon sa Adiyaman.

“Our team in Turkiye is well coordinated with the Turkish government and with our embassy officials,” ani Nepomuceno. “This strong coordination facilitated the smooth arrival and operations in the designated area in Turkiye, thereby ensuring the adherence to international standards.”

Binubuo ng 82 mi­yembro na galing sa iba’t ibang ahensya ng gobyerno ang nasabing rescue team ng bansa. Ang 12 miyembro nito ay galing sa 505th Search and Rescue Group of the Philippine Air Force (PAF); 21 ang mula sa 525th Engineering Combat Battalion of the Philippine Army (PA); 30 ang mula sa Department of Health (DOH); siyam ang galing sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA); walo ang mula sa Subic Bay Metropolitan Authority (SBMA); at dalawa sa kanila ay mula sa Office of Civil Defense (OCD).

Yumanig nitong Lunes, ang nasabing magnitude 7.8 na lindol na kumitil ng mahigit 21,000 indibidwal kabilang na ang dalawang Pinoy sa Turkey.

EARTHQUAKE

RESCUE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with