^

Police Metro

Mister laslas ang leeg sa misis na lasenggera

Mer Layson - Pang-masa

MANILA, Philippines — Isang 34-anyos na mister ang nasugatan nang laslasin ang kanyang leeg ng sariling misis na nagalit nang sitahin sa magdamagang pakikipag-inuman sa barkada sa loob ng kanilang bahay sa Quezon City, kamakalawa.

Ang biktima ay nakilalang si Bryan Mente Tajan­langit, call center agent, habang arestado ang kanyang misis na si Marivic Marimat, 35, kapwa residente ng 1702 Jonas St., Jordan Plains Subd., Brgy. Sta. Monica, Novaliches, Quezon City.

Sa report ng Quezon City Police District (QCPD) Novaliches Police Station 4, bago naganap ang insidente, alas-9:30 ng umaga sa loob ng tahanan ng mag-asawa ay kauuwi lamang ng biktima mula sa trabaho nang madatnan nito ang misis na nakikipag-inuman sa kaniyang mga kabarkada.

Dahil dito ay nagalit ang mister kaya’t nagsiuwi ang mga kainuman ng misis at pagkatapos ay nagkaroon ng pagtatalo ang dalawa dahil sa napahiya umano ang babae sa kaniyang mga barkada.

Sa galit ay kumuha ng gunting ang lasing na misis at nilaslas ang leeg ng mister na kahit may sugat ay nagtatakbo palabas ng bahay at humingi ng saklolo sa mga opisyal ng barangay at ipinaaresto ang kaniyang asawa.

Isinugod din ang biktima sa Commonwealth General Hospital para malunasan. Habang ang misis ay sasampahan ng kasong frustrated homicide.

vuukle comment

HOMICIDE

KRIMEN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with