^

Police Metro

Jeepney phase out, di muna ipapatupad – LTFRB

Angie dela Cruz - Pang-masa
Jeepney phase out, di muna ipapatupad – LTFRB
Drivers of traditional jeepneys wait for passengers at a terminal in Manila on February 3, 2023.
STAR / Edd Gumban, file

MANILA, Philippines — Wala muna uma­nong magaganap na phase out sa mga pampasaherong jeep sa lansanga­n kahit lampas na ito sa 20 taon at karag-karag na.

Ito ang naging desis­yon ng Land Transportation Franchising and Re­gulatory Board (LTFRB) sa final deliberation kahapon sa ahensiya  kaugnay sa planong phase out.

Dahil dito ayon kay LTFRB chairman Teofilo Guadiz, tuloy pa rin ang biyahe ng mga jeepney driver at hindi muna igigiit ang Jeepney Moder­nization.

Dapat sana ay 2017 pa  ang Jeepney Modernization, subalit dahil sa apela at pakiusap ng mga tsuper ay pansamantalang ipinagpaliban ito ng LTFRB.

Sinabi ni Atty. Guadiz na kahit 20 years old na ang pampasaherong jeep basta road worthy ay maaari pa ring gamitin at ipasada.

Idinahilan pa ni Guadiz na ramdam niya ang hirap ng mga driver at maaaring marami ang magugutom oras na ipa­tupad ang jeepney phase out.

Niliwanag din niya na patuloy na pinag-aaralan ang bawat ruta ng mga sasakyan sa bansa lalo na sa Metro Manila upang mapunan ng dagdag ruta ang may malaking demand sa pampasaherong sasakyan at mabawasan ang mga ruta na masyadong marami sa isang lugar.

LTFRB

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with