^

Police Metro

Pinaslang na OFW na si Jullebee Ranara, inilibing na

Ludy Bermudo - Pang-masa
Pinaslang na OFW na si Jullebee Ranara, inilibing na
The casket containing the body of slain OFW Jullebee Ranara arrived at the PAIR-PAGS center in Pasay City.
Miguel De Guzman, file

MANILA, Philippines — Naihatid na kahapon ng umaga sa kaniyang hu­ling hantungan si Jullebee Ranara, ang overseas Fi­lipino worker na pinaslang sa Kuwait.

Nabatid na alas-8:00 ng umaga nang umusad ang funeral cortege ni Ranara na kung saan ay buhos ang mga kaanak at kaibigan na naghatid sa kanya sa Golden Haven Memorial Park sa Las Piñas City.

Nagkaroon ng ­maikling programa kung saan nagsalita ang ilang kapamilya at kaibigan ni Ranara, na nagpasalamat sa lahat ng nakiramay.

Ikinuwento ni Jenny Magay, pinsan ni Ranara, kung gaano kabait ang napas­lang na OFW na noong una aniya’y hindi siya naniwala sa sinapit ng pinsan.

“Hindi kami naniniwala hangga’t hindi namin nakikita na siya po talaga ‘yon. Kasi wala po talaga sa isip namin na mangyayari sa kaniya ‘yon,” ani Magay.

“Hangad namin ang hustisya para sa pinsan namin,” dagdag niya.

Hindi naman napigilan ng pamilya ang kanilang matinding pagdadalamhti at hinimatay ang isa sa tiyahin ni Ranara.

Ayon naman kay Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) Administrator Arnell Ignacio, tuloy pa rin ang pagtulong ng pamahalaan para makamit ang hustisya para kay Ranara.

Nakipaglibing din ang 2 kapatid ni Joanna Demafelis, ang OFW na pinaslang din sa Kuwait noong 2018.

Ayon kay Joyce Demafelis, ramdam niya ang sakit na nararamdaman ng pamilya Ranara.

JULLEBEE RANARA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with