^

Police Metro

Ground rescuers ng missing Cessna plane, nagkakasakit na

Doris Franche-Borja - Pang-masa
Ground rescuers ng missing Cessna plane, nagkakasakit na
A handout photo from the Bureau of Fire Protection Region II taken and released on January 25, 2023, shows rescuers retrieving a body from a crashed plane in Pilar, Bataan, where two Philippine air force aviators were killed.
Handout / Bureau of Fire Protection Region II / AFP

Sa sobrang pagod at masamang panahon

MANILA, Philippines — Dahil sa walang tigil na paghahanap sanhi ng nararanasang matinding pagod, dinapuan na ng sakit ang ilang ground rescuers ng nawawalang Cessna plane sa Isabela noong nakaraang Linggo.

Sa pahayag ni Municipal Disaster Risk Reduction Management Officer Engr. Ezikiel Chavez ng Divilacan, dahil sa umuulan at sobrang lamig sa lugar ay umuwi muna ang isa nilang team dahil nagkakasakit na ang ilan sa kanila habang naiwan ang dalawang team.

Maulan aniya sa lugar at nababalutan ng ulap ang kabundukan bukod pa sa madulas ang dinadaanan ng mga rescuers sa site Alpha.

Sinabi ni Chavez na narating na ng Team Charlie ang Site Alpha ngunit napakalawak ng lugar na kanilang gagalugarin.

Hindi pa matukoy ang “white object” dahil sa makapal na ulap na bumabalot sa kabundukan.

Bukod sa Team Charlie ng pamahalaang lokal ng Divilacan, maaaring nakarating na rin ang mga kasapi ng Philippine Army sa nabanggit na lugar.

Nabatid naman kay Army Spokesperson Col. Xerxes Trinidad na nagsanib puwersa na ang tatlong rescue teams ng PA sa paghahanap sa nawawalang Cessna 206 plane at mga pasahero nito sa Isabela.

Related video:

PLANE CRASH

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with