^

Police Metro

8 lalaki inaresto sa pagkatay ng 15 pawikan sa Sulu

Doris Franche-Borja - Pang-masa

MANILA, Philippines — Dinakip ng mga otoridad ang walong lalaki matapos silang maaktuhan ng mga otoridad na kinakatay ang mga pawikan sa Sulu at kabilang sa kinatay ang isang hawksbill sea turtle na critically endangered na.

Ayon kay Police Major Joel Senogat Jr., Station Chief ng Sulu Maritime Police Station, nasa 15 pawikan ang kinatay sa baybayin ng Brgy. Bubuan, Hadji Panglima Tahil ng  walong lalaki.

“Patay na lahat [ng pawikan] at may na-recover pa kaming mga buto. Ang nakalulungkot dito, may isa doon critically endangered na species yung hawksbill turtle and the rest are green sea turtle,” ani Senogat.

“May buyer sila from Tawi-tawi daw, parang ita-transport nila somewhere between Tawi-tawi and Palawan area at Chinese ang kukuha doon. Hindi lang matukoy kung magkano ang bentahan talaga,” ani Senogat.

Nakuha mula sa grupo ang limang motorized banca at mga gamit sa panghuhuli ng mga ito.

Mahaharap sa rekla­mong paglabag sa Wildlife Resources Conservation and Protection Act ang mga naarestong suspek.

PAWIKAN

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with