MANILA, Philippines — Dumating na sa bansa ang 55 porsyento ng 25,056.27 metrikong tonelada ng isdang galunggong na inangkat ng Pilipinas.
Ayon sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR), dumating ang mahigit 13,000 metrikong tonelada ng galunggong habang ipinatutupad ang closed fishing season sa Northeast ng Palawan.
Kinailangan umano na mag-import ng galunggong dahil sa kulang ang suplay nito sa bansa.
Sa ngayon, nasa P280 ang presyo ng lokal na galunggong kada kilo habang nasa P220 hanggang P240 ang presyo ng imported na galunggong kada kilo.
Ipinatutupad ang closed fishing season ng galungong mula noong Nobyembre 1 at tatagal ng hanggang Enero 31.
Bukod sa galunggong, pinayagan din ng BFAR ang pag-aangkat ng bigeye scad, mackerel, bonito at moonfish dahil sa kulang ang suplay sa bansa.