Pres. ng Robinsons itinalagang presidential adviser on investment, economic affairs

RLC president and chief executive officer Frederick G said the company is looking to inject its mature office assets into an REIT Company this year 2021.
Photo from Meralco power club

MANILA, Philippines — Itinalaga ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang presidente at CEO ng Robinsons Land na si Frederick Go bilang presidential adviser sa investment at economic affairs.

Ayon sa Presidential Communications Office, makakasama at tutulungan ni Go si Rafael Consing Jr., dating chief financial officer ng International Container Terminal Services Inc., na naunang tumanggap ng posisyon sa nasabing economic office.

Bago ang appointment, humawak din si Go ng iba’t ibang posisyon, kabilang ang presidente ng Altus Property Ventures at Robinsons Recreation Corporation at vice chairman ng Robinsons Bank. Nagsilbi rin siya bilang presidente at CEO ng RL Commercial REIT at chairperson ng Luzon International Premier Airport Development.

Nagsilbi rin siyang direktor ng Cebu Air, Inc., Manila Electric Company, JG Summit Petrochemical Corporation, JG Summit Olefins Corporation, at Cebu Light Industrial Park at mayroong Bachelor of Science degree sa Management Engineering mula sa Ateneo de Manila University.

Show comments