^

Police Metro

Tinamaan ng ‘Chikungunya’, 600 na - DOH

Ludy Bermudo - Pang-masa
Tinamaan ng ‘Chikungunya’, 600 na - DOH
View of Aedes aegypti mosquitoes infected with a bacteria that prevents them from spreading dengue, Zika and chikungunya, before their release at Ilha do Governador in Rio de Janeiro, Brazil, on August 29, 2017.
AFP / Apu Gomes

MANILA, Philippines — Umaabot na sa 600 na kaso ng Chikungunya ang naitatala ng Department of Health (DOH) sa bansa sa nakalipas na taon.

Ayon sa DOH, mula sa kanilang pinakahuling Di­sease Surveillance Report,  mayroong 600 kaso ang naiulat mula Enero 1 hanggang Disyembre 17, 2022. Mas mataas na ito ng 552 porsiyento kumpara sa 92 kaso ng Chikungunya na naiulat sa parehong panahon noong 2021.

Ang tatlong nangu­ngunang rehiyon na may kaso ng chikungunya ay ang CALABARZON na may 155; Central Visayas (127); at Davao Region (114).

Samantala, ang may highest increase kung ikukumpara noong 2021 ay ang Davao Region (11300%; 1 hanggang 114), CALABARZON (1838%; 8 hanggang 155), at Central Visayas (1055%; 11 hanggang 127).

Ang datos mula sa Epidemiology Bureau ng DOH ay nagpakita rin na walang namamatay mula sa chikungunya noong nakaraang taon gayundin sa parehong panahon noong 2021.

Ang nasabing virus ay kumakalat sa mga tao sa pamamagitan ng kagat ng isang nahawaang lamok. Nagdudulot ito ng lagnat at matinding pananakit ng kasukasuan, sabi ng World Health Organization.  

CHIKUNGUNYA

DOH

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with