MANILA, Philippines — Nasa P3.6-milyong halaga ng iligal na droga ang nasamsam sa isang lalaki at isang babae sa isinagawang joint buy-bust operation ng pulisya sa Parañaque City, kamakalawa ng gabi.
Kinilala ni Southern Police District director P/Brig. General Kirby John Brion Kraft ang mga suspek na sina Fahima Matula alyas “Tita”, 34 anyos; at Jhonix Casanova, 23.
Sa ulat, dakong alas-9:00 ng gabi, isinagawa ang buy-bust operation sa pangunguna ng mga ng Regional Drug Enforcement Unit, katuwang ang Philippine Drug Enforcement Group-Special Operations Unit, Southern Police District, Parañaque at Pasay City Police, sa No. 349 Quirino Avenue corner 4 De Julio St., Brgy., Baclaran, kung saan narekober ang nasa 530 gramo ng shabu na may katumbas na halagang P3, 604,000.
Inihahanda na ang kasong paglabag sa Republic Act 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002) na ihahain sa Parañaque City Prosecutor.