Alert Level 1 ikinasa sa Bulkang Taal

MANILA, Philippines — Matapos makapagtala ng 49 volcanic tremors sa paligid kahapon ay iti­naas ng Philippine Institute of volcanology and Seismo­logy (Phivolcs­) sa alert level 1 ang bulkang Taal.

Ayon sa Phivolcs, bukod sa pagyanig naitala rin ang pagsingaw ng usok sa bunganga ng bulkan na may taas na 900 metrong taas sa timog-kanluran.

Sinabi ng Phivolcs na mahigpit na ipinagbaba­wal ang pagpasok malapit sa bulkan dahil sa banta ng pagputok ng bulkan.

Nagbabala rin ang ahensya na ipinagbabawal ang pagpapalipad ng anu­mang uri ng aircraft malapit sa bulkan.

Ang bulkang Taal ay itinuturing na aktibong bul­kan na matatagpuan sa lalawigan ng Batangas.

Show comments