2 salvage victim itinapon sa gilid ng kalsada

MANILA, Philippines — Dalawang biktima ng salvage ang magkakasunod na itinapon sa magkakahiwalay na lugar sa Quezon.

Sa ulat ng Sariaya Mu­nicipal Police Station, unang natagpuan ang bangkay ng isang lalaki alas-6:45 ng umaga ng Martes sa kahabaan ng Eco Tourism Road Sitio Bagong Pook, Barangay Talaan Aplaya, Sariaya, Quezon.

Inilarawan ang biktima­ na nasa 40 hanggang 45- anyos, nakasuot ng t-shirt, itim na jogger pants, itim na Laker’s ball cap, itim na sandals at may Sputnik tattoo sa kanang braso.

Marami itong tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan pati sa ulo.

Sa kaparehong araw ay natagpuan ang ikalawang­ bangkay sa bypass road sa Tayabas City, alas-9:00 ng umaga na nakita ng mga nagdaraan na nakahandusay sa damuhan sa shoulder ng kalsada.

Ang bangkay nababalot ng packaging tape ang ulo at balikat habang nakagapos ang mga kamay.

Nagpapatuloy ang im­bestigasyon ng pulisya kung may kaugnayan ang dalawang bangkay at kung iisa lamang ang responsable. Pinaniniwalaang pinatay ang mga ito sa ibang lugar at itinapon lamang sa mga natu­rang mga bayan para iligaw ang imbestigasyon. - Ed Amoroso

Show comments