Police visibility sa airport higpitan

Passengers queue at the check-in counters while others spend the night inside the NAIA Terminal 3 in Pasay City ahead of their flights on October 29, 2022.
The STAR/Miguel De Guzman

X-ray machines, scanners inalis

MANILA, Philippines — Matapos na alisin ang x-ray machine scanners sa mga departure entrance ay hini­ling ni Senador Bong Go na higpitan ang police vi­sibility, aviation security at palakasin ang intelligence sa mga Paliparan.

Ayon kay Go, bagama’t suportado niya ang desis­yon na maging maginhawa ang paglalakbay sa bansa, dapat ay mas mabuting may sapat na pag-iingat pa rin.

Kaya pinaalalahanan ni Go ang mga otoridad na ipatupad ang kaukulang security protocols sa departure areas at i-maximize ang police visibility at  paigtingin ang intelligence capabilities para maprotektahan ang publiko.

“Kaya lang po, napansin ko, tinanggal po yung first layer. Ang tanong diyan, this is an issue of security and convenience. Do not compromise, do not risk the safety of our passengers. This may be terrorism waiting to happen,” dagdag pa ni Go.

Inihalimbawa pa ni Go ang nangyari noong 2003 Davao City bombing na maaaring matulad ang Ninoy Aquino International Airport (NAIA)  dahil sa mas maluwag na seguridad na pinapairal dito.

Kaya ang tanong ni Go,paano made-detect ang pagpasok ng kontrabando o bomba sa airport kung wala na ang x-ray sa first layer kaya dire-diretso na ang mga pasahero at hindi na sinusuri na umano’y ginagaya sa ibang bansa.

Ang pagkawala umano ng first layer ng x-ray machines ay napansin ng senador sa NAIA 2 at 3 na sa tingin niya ay delikado.

 

Show comments