^

Police Metro

DOH: 128 kaso ng bagong Omicron subvariant natukoy

Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines — Iniulat kahapon ng Department of Health (DOH) na may 128 na bagong kaso ng Omicron subvariant, matapos i-sequence ang 137 samples ng University of the Philippines-Philippine Genome Center (UP-PGC) at Southern Philippines Medical Center noong Enero 3 hanggang Enero 9. 

Ayon sa DOH, may  52 samples ang sinuri bilang Omicron BA.2.3.20, habang 28 naman ang XBB, 13 ang XBC, 10 ang BA.5, at isang sample ay BN.1.

Sinabi ng DOH na ang iba pang 24 na kaso na natukoy ay itinuturing na “other Omicron subvariants.”

Sa 52 karagdagang kaso ng BA.2.3.20, 51 ay local cases mula sa Regions 1, 2, 3, 4A, 5, 6, 7, Cordillera Administrative Region (CAR), at National Capital Region (NCR); habang ang natitirang kaso ay isang returning overseas Filipino (ROF).

Ang natukoy na kaso ng BN.1 kamakailan lang, na iniulat sa ilalim ng BA.2.75, ay isang lokal na kaso mula sa Rehiyon 6. Samantala, sa 10 bagong kaso ng BA.5, anim ang local cases mula sa Region 6 at 11, habang ang natitirang apat na kaso ay ROFs.

Sinabi ng DOH na lahat ng karagdagang kaso ng XBB at XBC ay mga lokal na kaso mula sa Rehiyon 1, 3, 4A, 6, 7, 11, CAR, at NCR. Ang isang lokal na kaso ng variant ng Delta ay mula sa Rehiyon 3, na may petsa ng koleksyon sa kalagitnaan ng Disyembre 2022.

vuukle comment

DOH

OMICRON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with