Taas-pasahe sa LRT-1 at 2 ‘di agad maipapatupad

Commuters wait on the platform of the Light Rail Transit-Line 1 (LRT1) Doroteo Jose Station in Manila for a train on Friday (January 29, 2022) as the Light Rail Manila Corporation (LRMC) announced on the billboard of the station that there will be no operations of the LRT1 on January 30 to make way for the upgrading of their signaling system.
STAR / Miguel De Guzman

MANILA, Philippines — Bagama’t naka­umang­ na ang pagtaas ng pasah­e sa Light Rail Transit Line 1 (LRT-1) at Line 2 (LRT-2) ay hindi agad ito mai­patutupad dahil ki­na­kailangan pa nitong dumaan sa tamang proseso.

Ito ang nilinaw kaha­pon ng Light Rail Transit Authority (LRTA) kasunod ng mga naglabasang ulat na inaprubahan na ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang fare increase sa LRT-1 at 2.

Ipinaliwanag ng LRTA na ang ginawang pag-apruba ng LTFRB sa nasabing fare increase ay nasa nature ng naturang ahensiya, bilang miyem­bro ng LRTA Board of Directors, at hindi sa nature nito bilang regulatory board.

Binigyang-diin nito na ang naturang taas-pasahe ay dapat na aprubahan din muna ng LRTA Board of Directors, at ang LTFRB ay isa lamang anila sa siyam na miyembro nito.

Kinakailangan din mu­nang dumaan sa required regulatory process ang taas-pasahe na kinabibilangan ng public consultation at hearing.

Ayon sa LRTA, sa ilalim ng kanilang panu­kala, nais nilang ma-adjust ang mga pasahe ng LRT-1 at 2 at madagdagan ng P2.29 bilang boarding­ fare, at karagdagang P0.21 kada kilometro para sa distance fare.

Nabatid na ang boarding fare ng mga naturang rail lines ay nasa P11.00 habang P1 kada kilometro naman ang distance fare nito, simula pa noong 2015.

Show comments