^

Police Metro

Big-time agri smugglers tugisin

Gemma Garcia - Pang-masa
Big-time agri smugglers tugisin
Photo Dated August 8, 2019 : The Bureau of Customs presents seized smuggled agricultural product specifically carrots, onions, and potatoes with an estimated value of P24 million from China. The shipments are consigned to Ingredient Management Asia Inc., and Mcrey International Trading.
Edd Gumban / File

MANILA, Philippines — “Tugisin ang mga smugglers ng mga agricultural pro­ducts at protektahan ang mga lokal na magsasaka mula sa kompetisyon.”

Ito ang apela ni Senador Win Gatchalian sa lahat ng ahensiya ng gobyerno gayung kaliwa’t kanan ang mga nakukumpiskang produktong smuggled, subalit wala pang nahuhuling malaking isda o “big fish” na dapat siyang masawata para mahinto o mabawasan ang iligal na pag-aangkat ng mga produkto.

Magugunita na nagsagawa ng mga pagdinig ang Senate committee of the Whole kaugnay sa isyu noong Hunyo, 2022 at lumabas sa ulat ang sinasabing pagkakasangkot ng ilang indibidwal sa malakihang pagpupuslit ng produktong pang-agrikultura.

Base sa datos ng agriculture department, sa pagitan ng 2019 at 2022 lamang, humigit-kumulang P667.5 mil­yong halaga ng mga agriculture at fishery products ang naipuslit sa bansa kahit na nagsagawa ang Bureau of Customs (BOC) ng 542 na kaso ng seizure na kinasasangkutan ng P1.99 bilyong halaga ng mga produktong pang-agrikultura.

Kabilang sa mga farm commodities na ipinuslit sa bansa ang asukal, mais, baboy, manok, bawang, sibuyas, karot at isda, ayon sa datos ng Southeast Asian Regional Center for Graduate Study and Research in Agriculture.

BOC

SMUGGLING

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with