Libreng sakay target ng LTFRB sa Pebrero

Commuters line up for free rides along the EDSA bus carousel station in Ortigas yesterday. Passengers opted for bus rides as the operations of the MRT-3 remain suspended.
Walter Bollozos

Kapag natanggap na ang budget…

MANILA, Philippines — Sa buwan ng Pebrero ngayong taon ang target ng Land Transportation Fran­chising Regulatory Board (LTFRB) na ibalik ang libreng sakay sa EDSA Bus Carousel sa Metro Ma­nila sa oras na mailabas ang P1.4-B budget ng Department of Budget and Ma­nagement (DBM) na pagkukunan ng budget.

Ito ang sinabi ni LTFRB Chairperson Teofilo Guadiz­ III at hanggang July ang posibleng itagal ng budget para sa libreng sakay ngayong 2023.

Sakali namang maubos ay planong manghingi ng LTFRB ng supplemental­ budget para maipagpatuloy pa ang libreng sakay program. Inamin naman ni Guadiz na may kakulangan sa bus carousel na bumabiyahe sa nga­yon dahil 80 percent lang ng 550 buses ang nakaka­biyahe dahil sa kakulangan ng mga drivers.

Sinabi ni Guadiz, sisikapin nilang gawin tuwing kada 2 linggo ang pa­sahod sa mga bus driver para ma­tugunan ang problema sa kakulangan ng mga driver kapag nagbalik na ang lib­reng sakay.

Show comments