US$22.8 bilyong investment pledges pasalubong ni Marcos

Mula sa Chinese investors…
MANILA, Philippines — Umaabot sa USD 22.8 billion na investment pledges mula sa mga Chinese investors ang pasalubong ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa kanyang state visit sa China.
Kabilang sa mga investment commitment ang US$ 1.72 bilyon para sa agribusiness, US$13.76 bilyon para sa renewable energy (RE), at US$ 7.32 bilyon para sa strategic monitoring (electric vehicle, mineral processing).
Sa roundtable discussion noong Huwebes kasama ang mga agribusiness chief executive officers (CEOs) sa Beijing, tinukoy ni Pangulong Marcos ang kahalagahan ng kontribusyon ng lahat ng kalahok na kumpanya sa layunin ng Pilipinas na magkaroon ng mas moderno at sustainable agricultural sector.
Sa agribusiness roundtable meeting, ang mga trade deal ay pangunahing nakabatay sa paglagda ng protocol sa market access para sa durian ng Pilipinas sa China.
Dalawang cooperative agreements din ang selyado para matiyak ang sustainable na supply ng agriculture inputs, lalo na ang mga fertilizers.
Tinanggap ni Marcos ang intensyon ng ilang Chinese companies na mamuhunan sa niyog, produksyon ng durian at Philippine livestock sector.
Iniulat din ng Malacañang na tumaas sa roundtable meeting ang mga investment pledges sa Philippine Renewable Energy (RE) projects dahil sa pagtatanggal noong December 2022 ng foreign ownership sa mga RE generation projects.
Nakakuha rin ang bansa ng mga investors sa photovoltaic, onshore at offshore wind turbine generation, waste-to-energy at iba pang renewable energy projects.
- Latest