^

Police Metro

Gen. Durante inatasan ng PA Chief na tumulong sa imbestigasyon sa Yvonne Chua murder

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines — Inatasan na ni Philippine Army Chief P/Lt. Gen. Romeo Brawner Jr. si 1001st Infantry Brigade (IB) Commander Brig. Gen. Jesus Durante III na makipagkooperasyon sa imbestigasyon ng Davao City Police sa pamamaslang sa negos­yante at modelong si Yvonette “Yvonne” Plaza Chua na pinagbabaril ng riding- in-tandem sa lungsod ng Davao noong Disyembre 29.

Una nang nilinaw ni Durante, dating Presidential Security Group (PSG)Chief noong panahon ni dating  Pangulong Rodrigo Duterte na nadawit ang kanyang pangalan dahil sa isang social media post ni Chua noong Abril 2022 kung saan inakusahan siya ng pambubugbog na binawi rin ng nasabing modelo kinalaunan.

Sinabi ni Durante na kaibigan niya si Chua at maging siya man ay hangad din ang hustisya sa pagkamatay nito.

Sa panig naman ni Capt. Mark Anthony Tito. tagapagsalita ng Army’s 10th Infantry Division (ID) na nakakasakop sa  Army’s 1001st Brigade na wala pang pormal na reklamo silang natatanggap laban kay  Durante.

Ayon kay Tito na nakikipagkoordinasyon ang 10th ID sa Police Regional Office (PRO) 11 sa im­bestigasyon ng insidente at hinihintay na lamang nila ang magiging resulta ng pagsisiyasat.

Tiniyak naman ng opis­yal na hindi kukunsintihin ng Army’s 10th ID sa pamumuno ni Major Gen. Nolasco Mempin ang anumang maling gawain ng kanilang mga tauhan at senior officers.

KRIMEN

MURDER CASE

RIDING IN TANDEM

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with