Patay sa Paskong baha: 51 na, 19 nawawala

This handout photo courtesy of Angelica Villarta taken on Dec. 27, 2022 and received on December 28 shows residents surveying damage caused by heavy rain and floods in Oroquieta City, Misamis Occidental. The death toll from floods in the Philippines has risen to 25, officials said on December 28, with storms expected to dump more rain over the hardest-hit southern and central regions.
Handout / Angelica Villarta / AFP

MANILA, Philippines — Nasa 51 indibidwal na ang naitalang nasawi at 19 nawawala kasunod ng malakas na pag-ulan at pagbaha sa bahagi ng Visayas at Minda­nao noong nakalipas na Pasko.

Ito ang  inilabas kahapon na datos ng National Disaster Risk Reduction Management Council (NDRRMC) kung saan  16 naman ang nagtamo ng sugat  na mula sa Mimaropa, Bicol Region, Western Visayas, Central Visayas, Eastern Visayas, Zamboanga Peninsula, Northern Mindanao at sa Davao Region.

Umabot ang pinsala mula sa pag-ulan at pagbaha dulot ng shear line sa P1.14 bilyong halaga ng imprastraktura at P245.08 milyon sa agrikultura, kabilang ang pinsala sa irrigation systems.

Winasak nito ang 4,540 tahanan at na­ging sanhi ng paglikas ng 13,000 pamilya noong Christmas weekend.

Show comments