Patay sa Paskong baha: 51 na, 19 nawawala
MANILA, Philippines — Nasa 51 indibidwal na ang naitalang nasawi at 19 nawawala kasunod ng malakas na pag-ulan at pagbaha sa bahagi ng Visayas at Mindanao noong nakalipas na Pasko.
Ito ang inilabas kahapon na datos ng National Disaster Risk Reduction Management Council (NDRRMC) kung saan 16 naman ang nagtamo ng sugat na mula sa Mimaropa, Bicol Region, Western Visayas, Central Visayas, Eastern Visayas, Zamboanga Peninsula, Northern Mindanao at sa Davao Region.
Umabot ang pinsala mula sa pag-ulan at pagbaha dulot ng shear line sa P1.14 bilyong halaga ng imprastraktura at P245.08 milyon sa agrikultura, kabilang ang pinsala sa irrigation systems.
Winasak nito ang 4,540 tahanan at naging sanhi ng paglikas ng 13,000 pamilya noong Christmas weekend.
- Latest