Marcos Jr., nakiramay sa pagpanaw ni ex-Pope Benedict XVI

(FILES) This file photo taken on June 22, 2020 shows former pope Benedict XVI posing for a picture at the airport in Munich, southern Germany, before his departure.
Sven Hoppe / POOL / AFP, file

MANILA, Philippines — Nakiramay si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa pagpanaw ni dating Pope Emeritus Benedict XVI, nitong Sabado ng umaga sa edad na 95.

“We are in deep sorrow upon learning of the pas­sing of Pope Emeritus Benedict XVI today,” ayon sa ­Pangulo sa kanyang tweet.

Wika pa ng Pangulo na “The Philippines is one in offering our prayers for the eternal repose of his soul. We keep his loved ones in our prayers.”

Ayon sa ulat, mismong ang tagapagsalita ng Holy See ang nagbahagi ng malungkot na balita sa pamamagitan ng isang official statement.

Nabatid na namayapa ang dating Santo Papa sa loob ng Mater Ecclesiae Monastery sa Vatican.

Kamakailan lamang ay humiling pa si Pope Francis na ipagdasal ang dating Santo Papa sa pagtatapos ng pagharap niya sa General Audience sa Vatican City.

Ito’y dahil nga sa patuloy na paglala ng health condition ni Pope Benedict XVI na nagbitiw sa tungkulin noong Pebrero 28, 2013.

Show comments