MANILA, Philippines — Pumalo na sa 44 ang nasasawi habang 28 ang nawawala bunsod ng malakas na pag-ulan at pagbaha sa Visayas at Mindanao.
Ito ang iniulat ng National Disaster Risk Reduction Management Council (NDRRMC) na sa nasabing bilang ay mula sa Northern Mindanao, anim sa Bicol at tig-apat sa Zamboanga at Davao, habang tig-tatlo naman sa Eastern Visayas at Caraga.
Sa mga nawawala, naitala ang tig-12 sa Bicol at Eastern Visayas, dalawa sa Northern Mindanao at tig-1 sa Western Visayas at Zamboanga.
Nasa 509,340 katao o 131,028 pamilya ang naapektuhan sa 914 barangays sa Bicol, Western Visayas, Central Visayas, Eastern Visayas, Zamboanga, Northern Mindanao, Davao, Caraga at Bangsamoro.
Nabatid na 15,800 evacuees ang nasa evacuation centers habang 41,007 katao o 10,925 ang nasa iba’t ibang evacuation.
Iniulat din ng NDRRMC na umaabot na sa mahigit P1.13 bilyon ang halaga ng danyos sa imprastraktura habang P232.7 milyon naman sa agrikultura.