Hika at iba pang sakit posibleng tumaas sa Bagong Taon

Iba’t ibang uri ng bilog na prutas ang ibinebenta sa tindahang ito sa Saint Joseph 9, San Pedro, Laguna dahil sa swerte umanong hatid sa pagsalubong sa Bagong Taon.
Ernie Peñaredondo

Babala ng private hospitals association

MANILA, Philippines — Maging sensitibo sa mga kapwa na may sakit na hika at iba pang “respiratory illness” na karaniwang umaatake tuwing Bagong Taon dahil sa walang pakundangan na pagpapaputok.

Ito ang pakiusap ni Private Hospitals Association of the Philippines Inc. (PHAPI) president Dr. Jose Rene de Grano sa  publiko dahil sa  karaniwang tuma­taas ang kaso ng mga asthma at iba pang sakit sa baga lalo na pagkatapos ng putukan dahil sa kapal ng usok na iniwan ng mga nagpaputok.

Para sa mga may ka­ramdamang ito, pinayuhan sila ng doktor na magsuot ng face mask kung hindi maiiwasan na lumabas ng bahay sa oras ng putukan at maging pagkatapos ng mga fireworks display.

“Iwasan na po natin kung maaari itong pa­putok nang sa ganun ay hindi pa ito dumagdag sa ating mga problema later on in the coming year. Huwag na tayong magpa-putok nang sa ganun ay mas ligtas tayo,” saad ni De Grano.

Sinabi rin niya na nakaalerto na ang mga pribadong ospital sa buong bansa dahil sa inaasahan na pagdami ng mga kaso ng naputukan dulot ng mas maluwag na restriksyon ngayon ng pamahalaan sa COVID-19.

Show comments