^

Police Metro

Biktima ng paputok nasa 25 na — DOH

Danilo Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines — Inihayag ng Department of Health (DOH) na nasa 25 na ang bilang ng mga fireworks related injuries sa bansa habang nalalapit ang pagsalubong sa Bagong Taon.

Batay sa datos ng DOH nitong Martes, mula sa dating 20 ay nakapagtala pa sila ng limang bagong fireworks-related injuries mula sa 61 DOH sentinel hospitals hanggang alas-6:00 ng umaga ng Dis­yembre 27.

Ito ay mas mataas ng 14% kumpara sa 22 kaso lamang ng FWRIs na na–iulat sa kahalintulad na petsa noong nakaraang taon.

Sa naturang bilang, 23 o 92% ay mga lalaki habang ang 13 o 52% ay nagtamo ng eye injuries at dalawa o 8% ang nagtamo ng blast/burn injuries na may amputation o naputulan ng bahagi ng katawan.

Ang limang pangunahing dahilan ng FWRI ay ang boga (8 kaso); whistle bomb (4); kwitis (3); 5-star (2) at unknown (2).

Pinayuhang muli ng DOH ang publiko na umi­was na sa paputok at gu­mamit na lamang ng mga alternatibong paraan ng pag-iingay sa pagsalubong­ sa Bagong Taon.

PAPUTOK

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with