Planong pag-angkat ng asukal, hindi pa pinal – DA
MANILA, Philippines — Nilinaw kahapon ng Departrment of Agricuture (DA) na wala pang pinal sa desisyon ang pamahalaan sa planong pag-angkat ng asukal sa labas ng bansa.
Ayon kay Agriculture deputy spokesman Rex Estoperez ng Department of Agriculture (DA), bagama’t may direktiba kamakailan si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na bilisan ang pag-import ng asukal, sa ngayon naman aniya ay binubusisi pa ng ahensiya ang minimum access volume (MAV) ng asukal bago maisagawa ang sugar imports.
Hindi pa rin aniya tinatakalay ng MAV Advisory Council ang tungkol sa mabilis na pagpapasok ng imported refined sugar sa ating bansa.
“We are saying that we might import 64,050 metric tons of sugar. We are in discussions with the Sugar Regulatory Administration and the MAV Secretariat. The MAV council is yet to convene. We are still waiting for the position of our stakeholders,” paliwanag ni Estoperez.
Ang MAV ay ang dami ng asukal na dapat angkatin sa labas ng bansa na may mababang taripa.
- Latest