^

Police Metro

Las Piñas LGU namahagi ng ‘Pamaskong Handog’

Ludy Bermudo - Pang-masa
Las Piñas LGU namahagi ng �Pamaskong Handog�
Si Vice Mayor April Aguilar habang personal na namamahagi ng “Pamaskong Handog” sa mga residente ng bawat barangay sa Las Piñas City kahapon.

MANILA, Philippines — Maraming pinasaya ang pamahalaang lungsod ng Las Piñas sa pangunguna ni Vice-Mayor April Aguilar­ matapos mamigay ng noche buena package sa mga residente ng lungsod bilang bahagi ng “Pamaskong Handog” ni Mayor Imelda Aguilar sa lahat ng Las Piñeros.

Bilang tugon ito ng alkalde na maglibot sa 20 baran­gay sa lungsod para personal na ipamahagi ang mga aginaldo sa kanilang mga nasasakupan.

Ang Pamaskong Handog ni Aguilar na inilagay sa loob ng mga plastic canister ay naglalaman ng spaghetti packs, fruit cocktails, 2 kilong bigas at iba pa na ipinamahagi sa mga piling covered court sa 20 barangay ng lungsod.

Nais ng alkalde na maging masaya at may pagsasaluhan ang lahat ng Las Piñeros, kabilang ang mga senior citizen, persons with disability (PWDs) at ang mga mahihirap na residente sa lungsod ngayong Pasko.

vuukle comment

CHRISTMAS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with