^

Police Metro

Bantag nananaksak kapag lasing

Neil Servallos - Pang-masa
Bantag nananaksak kapag lasing
File photo shows suspended Bureau of Corrections Director General Gerald Bantag rides a horse while inspecting the vicinity of the New Bilibid Prison in Muntinlupa City on July 31, 2020.
The STAR / KJ Rosales

2 inmate pumiyok

MANILA, Philippines — Dalawang lider ng gang sa New Bilibid Prison (NBP) ang pumiyok at nais din nilang sampahan ng kaso si suspended Bureau of Corrections (BuCor) chief Gerald Bantag matapos umano nitong saksakin sila habang lasing sa loob ng national penitentiary.

Kinilala ang mga nag­­rereklamo na sina Ro­nald­ Usman at Jonathan Cañeta na nagtamo ng saksak sa braso at binti.

Sa kwento ng dalawa, nangyari ang insidente no­ong Pebrero 1 nang ipata­wag sila ni Bantag sa kanyang opisina kung saan naroon din ang 11 iba pang mga gang kumander, habang nakiki­pag-inuman­ si Bantag.

Ani Cañete, isa-isa silang nilapitan ni Bantag­ at tinusok umano siya nito ng blade sa dibdib at nang masaktan ay sinangga niya kaya naman napikon umano si Bantag saka siya sinak­sak sa leeg.

Habang si Usman na­man ay tinusok sa kamay. Pansamantalang si­nus­pinde si Bantag sa kanyang puwesto dahil sa pag­kakasangkot umano nito sa pagpatay sa broad­caster na si Percy Lapid. Sinabi ng dalawang bilanggo na may isang “Zulueta” ang lumapit sa kanila kinabuka­san at binayaran sila ng tig-P50,000 para manahimik.

Hindi nila nilinaw kung sino ang opisyal ngunit sinabing malapit na ka­alyado ni Bantag si De­puty BuCor Security Officer Ri­­cardo Zulueta­.

Ayon kay BuCor OIC Gregorio Catapang, kusang­ nagreklamo ang 2 inmate at hindi nila inutusan ang mga ito. Inihahanda na umano nila ang complaint-affidavit laban kay Bantag.

“Lahat ng nilabas may ebidensya hindi ito planted. Evidence-based wala naman tayo pina-plant dito. Sila poproteksyunan namin para ma-safe sila, hindi puwede saktan ng kahit sinuman,” aniya.

Samantala, nagpalabas­ na ng immigration look-out bulletin (ILOB) ang Bureau of Immigration (BI) laban kay Bantag at dating deputy security officer Ricardo Zulueta na ipinatupad noon pang Disyembre 9.

Ayon sa Department of Justice, naniniwala sila na may posibilidad na umalis ng bansa sina Bantag at Zulueta kaya inilabas ang nasabing kautusan. — Danilo Garcia

NEW BILIBID PRISON

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with