PNP pinaigting ang seguridad bago ang CPP anniversary

MANILA, Philippines — Lalo pang pinaigting ng Philippine National Police (PNP) ang pagpapatupad ng seguridad ng ilang lugar sa bansa, ilang araw bago ang anibersaryo ng Communist Party of the Philippines (CPP) sa Disyembre 26.
Ayon kay PNP spokesperson, Police Colonel Jean Fajardo, nagdagdag na ng mobile forces ang PNP sa mga lugar na inaasahang dadagsain ng mga tao, pero sa ngayon ay wala pa umano silang namo-monitor na banta upang maghasik ng gulo sa Kapaskuhan.
“Of course, anticipated natin na magkakaroon ng anniversary ang CPP. Kaya naman doon sa mga areas na may mga dati na tayong monitored na mga atrocities nila ay in-intensify na po natin ang ating security measures,” ani Fajardo.
Katuwang ng PNP sa programa ang Armed Forces of the Philippines (AFP) na wala ring natatanggap na posibleng problema kasunod ng pagpanaw ni CPP founder Jose Maria ‘Joma’ Sison.
Maging ang Special Action Force ay nai-deploy na rin sa mga stations at mga detachment ng mga vulnerable sa mga pag-atake at harassments.
- Latest