^

Police Metro

10 patay sa sunog sa muntinlupa

Danilo Garcia - Pang-masa
10 patay sa sunog sa muntinlupa
Binubuhat ng mga tauhan ng Bureau of Fire (BFP) ang bangkay ng isa sa 10 nasawi sa naganap na sunog kahapon sa Brgy. Putatan, Muntinlupa City.
Edd Gumban

MANILA, Philippines — Patay ang sampung miyembro ng pamilya makaraang lamunin ng apoy ang kanilang bahay sa naganap na sunog kahapon ng umaga sa Muntinlupa City.

Kinilala ang mga nasawi na sina Mark Gil Ladia, 39; Cherry Ladia, 39; Leandro Jose Ladia, 15; Emmanuel Ladia, 12; Amentues Ladia, 16; Cherise Angela; Ana Ladia, 33; Gil Ladia, 68; Claire Ladia; at Jerome Ladia, 65. Habang sugatan naman ang isang Kenneth Perelio.

Sa ulat ni Muntinlupa City Fire Marshall Fire Superintendent Eugene Briones, magkakamag-anak ang mga nasawi na natagpuan sa una at ikalawang palapag ng bahay nila sa may No. 2801 Larva Street, Bruger Subdivision, Brgy.Putatan, ng naturang siyudad.

Nabatid na isang palapag na bahay na may katabing dalawang-palapag na bahay ang nilamon ng sunog.  Tatlong pamilya umano ang nakatira sa mga bahay na ito.

Sa ulat, alas-8:56 ng umaga nang sumiklab ang apoy sa bahagi ng kusina ng bahay at agad na nailagay sa unang alarma dahil sa bilis ng pagkalat nito.

Pitong trak ng bumbero ang rumesponde sa insidente hanggang sa makontrol ang apoy dakong alas-9:25 ng ­umaga at ganap na mapatay dakong alas-10:25 ng umaga.

Natagpuan ang mga bangkay sa iba’t ibang bahagi ng bahay sa ikinasang mapping operation.

Patuloy naman ang imbestigyasyon ng arson investigators sa insidente.

FIRE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with