MANILA, Philippines — Sa inilabas na survey kahapon ng RP-Mission and Development Foundation Inc. (RPMD) ay tatlong alkalde sa Ilocos Region ang angat sa paglilingkod sa kanilang nasasakupan.
Itinanghal na top-performing local chief executive si Candon City Mayor Eric D. Singson na nakakuha ng 94% na isa sa dahilan ay ang pagtatayo ng Medical Center at Candon City Arena, paglikha ng Micro Finance Program na nagbibigay ng mababang interes na pautang sa mga magsasaka at small and medium enterprises (SMEs).
Si Laoag City Mayor Michael Keon Marcos ay nakakuha ng 90%; San Carlos City Mayor Ayoy Resuello -86%; Urdaneta City Mayor Rommy Parayno III-85%; Batac City Mayor Albert Chua -83 porsyento.
Ang bawat Alkalde ng lungsod ay tinaas ng kanilang mga nasasakupan at niraranggo batay sa mga rating na kanilang natanggap. Ang mga responsibilidad ng mga alkalde ay malawak at sumasaklaw sa iba’t ibang tungkulin, kabilang ang pagiging lokal na punong ehekutibo, pangangasiwa at pagpapatupad ng lahat ng mga patakaran at programa, proyekto at serbisyo ng lokal na pamahalaan, at pagsisilbi bilang pinuno ng konseho ng lungsod, kabilang ang pagpapatupad ng mga batas at ordinansa na nauukol sa pangangasiwa ng lungsod.
Ang survey ng Rehiyon ng Ilocos ay bahagi ng pambansang botohan na “RPMD’s Boses ng Bayan” na isinagawa noong Nobyembre 27-Disyembre 2, 2022 na isinagawa bawat lungsod sa bawat rehiyon na may 10,000 respondents.