^

Police Metro

Maharlika Fund bill pinagtibay na sa Kamara

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines — Ilang oras matapos na sertipikahang urgent ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, ay inaprubahan na nitong Huwebes ng gabi sa Mababang Kapulungan ng Kongreso sa ikatlo at pinal na pagbasa ang House Bill (HB) 6608 na naglalayong magtatag ng Sovereign Wealth Fund (SWS) sa bansa.

Si House Speaker Martin Romualdez ang nag-preside sa plenaryo ng Kamara sa botohan sa HB 6608 o ang Maharlika Investment Fund (MIF).

Ayon kay Romualdez  90% o 282 sa kabuuang 312 mambabatas ng Kamara ang nagsilbing co-author at sumuporta sa panukalang batas.

Sa botong 279 pabor­, anim ang tumutol at walang abstention ay ganap na napagtibay sa plenaryo ng Kamara pa­sado alas-7:00 ng gabi ang HB 6608.

Kabilang sa mga tumutol sa MIF Bill ay ang Makabayan bloc solon na sina ACT Teachers Rep. France Castro, Gabriela Partylist Rep. Arlene Brosas at Kabataan Partylist Raoul Manuel gayundin sina 3rd District Camarines Sur Rep. Gabriel Bordado Jr. at Basilan Rep. Mujiv Hataman.

Ayon kay House Majority Leader  Jose Ma­nuel “Mannix “ Dalipe, alinsunod sa Saligang Batas ay may prerogatibo si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na isertipika bilang urgent ang nasabing panukalang batas.

Bago ito inaprubahan kahapon ng hapon sa pamamagitan ng viva voice voting ang MIF ma­tapos ang masusing deli­berasyon, paghimay at amyenda ng mga mambabatas sa nasabing panukalang batas.

Ayon kay Romualdez, matapos mapagtibay ang amyenda sa nasabing panukalang batas, kabilang sa mapagkukunan ng pondo ay ang Land Bank of the Philippines, Development Bank of the Philippines (DBP), Philippine Gaming and Amusement Corp. (Pagcor) at Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) bilang MIF contributors.

Nakasaad sa panukala na kukuha ng pondo sa Land Bank of the Philippines, Development Bank of the Philippines (DBP), Philippine Gaming and Amusement Corp. (PAGCOR) at Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) bilang MIF contributors.

Sa kautusan ni Romualdez ay tinanggal na ang kontribusyon sa MIF na hindi na kukunan ng pondo ang Social Security System at Govern­ment Service Insurance Systems dahilan sa mga pensiyon­ funds ito mula sa mga pribadong sektor­ at manggagawa sa gob­yerno.

SOVEREIGN WEALTH FUND

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with