P150 milyon fake goods nadiskubre ng BOC

MANILA, Philippines — Tinatayang nasa P150 milyon halaga ng mga pekeng apparel, appliances at general merchandise ang nadiskubre ng Bureau of Customs (BOC) nang sala­kayin kahapon ang isang bodega sa Imus, Cavite.

Armado ng Letter of Authority (LOA) na pirmado ni Customs Commissioner Yogi Filemon Ruiz, isang team mula sa Customs Intelligence and Investigation Service-Manila International Container Port (CIIS-MICP) ang nag­tungo sa Hong Yun Real Estate Group, Inc. sa M. Salud Road, Alapan II-A, Imus, Cavite upang inspek­siyunin ang laman ng naturang bodega.

Inimpormahan ng BOC ang Philippine National Police (PNP) at mga local barangay officials hinggil­ sa implementasyon ng LOA, at ang mga ito ang tumulong sa kanila upang matukoy ang lokasyon ng warehouse. Nadiskubre ng mga Customs agents ang mga ready-to-wear garments mula sa brands na gaya ng Dickies, Mossimo, Bench, Levi’s, Puma, Fila, Mickey Mouse, Hello Kitty, at iba pa, gayundin ang mga appliances at general merchandise.

Tiniyak naman ni Customs Deputy Commissioner retired Maj. Gen. Juvymax Uy na ang LOA ay tinalakay nila sa kinatawan ng warehouse at sa security guard on duty na nag-acknowledged nito, bago nila isinagawa ang inspeksiyon.

Matapos ang inspeksiyon, magsasagawa ang mga nakatalagang Customs exa­miners ng imbentaryo sa mga naturang counterfeit­ items na nadiskubre sa ware­­house. Kinilala naman ni CIIS Director Jeoffrey Tacio ang Customs team, na siyang nasa likod ng bawat matagumpay na operasyon nitong nakalipas na taon.

“You know, everyone’s mind is already on the upcoming holidays but our team here is still out there doing the job that they swore to do. That’s how dedicated they are to protecting our markets, the sellers themselves, and the consumers,” wika ni Tacio.

Matatandaang pinaigting pa ng BOC ang ka­nilang kampanya laban sa smuggling, kasunod na rin ng direktiba dito ni Pang. Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Show comments