MANILA, Philippines — Sampung miyembro ng House of Representative ang umangat sa kanilang pagseserbisyo sa buong 2022 batay sa lumabas na survey na isinagawa ng RP- Mission and Development Foundation Inc. (RPMD).
Sa National Capital Region, ang top district Representatives ay sina Cong. Toby Tiangco ng Navotas City sa job performance rating na 93%; Cong. Oca Malapitan ng Caloocan City (District 1) na may 91%; Cong. Marvin Rillo ng Quezon City (District 4) -88%; Cong. Dean Asistio ng Caloocan City (Distrito 3)-86%; Cong. Si Camille Villar ng Las Piñas-85%.
Ang ika-anim hanggang 10 ay sina Representatives Marivic Co-Pilar ng Quezon City (District 6), 84%; Rex Gatchalian ng Valenzuela City (Distrito 1), 83%; PM Vargas ng Quezon City (District 5), 82%; Benny Abante ng Maynila (Distrito 6), 81%; at Arjo Atayde ng Quezon City (Distrito 1), 80%.
Ayon kay RPMD executive director Dr. Paul Martinez na “work performance (“representation,” “legislation,” and “constituent service”) heavily influences ratings and rankings”.
Lumalabas din sa survey ng RPMD na nakatanggap ng mataas na rating sa National Capital Region (NCR) sina Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na nakakuha ng 73% at Vice President Sara Duterte ay 70% para sa kanilang performance sa trabaho.
Ang survey na “RPMD Boses ng Bayan,” na isinagawa noong Nobyembre 27-Disyembre 2, 2022 na may kabuuang 10,000 respondents na tinanong.